Monday, December 19, 2005

Wings of Dreams and other stories

Stories of the heart. Controversial and essential. This blogsite will inspire and raise hair. Catch the author's take on the story of our fictitious hero, Carlito and his struggles in life.

Saturday, December 17, 2005

Sinamahan ko si Carlito sa bahay nila, eto natuklasan ko

Sa maliit na bahay nila Carlito, nakita ko roon ang kanyang nakababatang kapatid na babae na si Dindi na kalong-kalong ang bunso nilang kapatid na lalaki na walong buwan pa lamang. Dumating ako bandang alas-sais at wala na roon ang kanyang ina. Sabi ni Carlito, nasa likod ng simbahang Katoliko sa bayan ang kanyang ina at nagpuputa. Kanino ulit ika dahil gusto kong makatiyak sa narinig ko at sabi niya sa mga kalalakihang nagseseminarista sa simbahan. "Matagal na, suki na ng nanay ko mga lalaking magpapari, at matagal na ring di umuuwi sa aming magkakapatid ang nanay, mga ilang buwan na po."

"Paano kayo nabubuhay?," tanong ko.

"Nang minsang umuwi ang nanay ko, nag-abot po siya ng pambili ng gatas ni bunso namin saka pambili ng bigas, mga ilang kilo. Yung ulam naman po minsan binibigyan kami (na magkakapatid) ng kapitbahay pero madalas po wala. Nanghihingi po ako sa mga tindera sa palengke minsan po ng bituka ng isda tulad ng bangus, minsan po naman tira-tirang gulay at yun po, yun po iluluto ko para ulam namin. Hindi po kami pinababayaan ng Dios araw-araw ... bukas po balik ng nanay, may dala po ulit yun panggatas ni bunso."

"May gatas pa ba si bunso?," tanong ko ulit.

"Wala na po. Yung ahmm na lang po ang pinapainom ko, yung pinagsabawan po ng isinasaing na bigas namin saka minsan po mainit na tubig at kape."

"Puwede ba akong makitulog sa inyo dito?," hingi ko ng pahintulot. "Eto, may kaunti pa akong pera, ibili mo ng gatas ang bata."

Ayaw itong tanggapin ni Carlitos. "Hindi na po. Bukas naman po darating na ang nanay. Saka wala na pong sasakyan papuntang bayan. Bukas po ng umaga ang luwas ng mga sasakyan."

Friday, December 16, 2005

Uncertainty at Paghahanap sa kuwento ng batang si Carlito

Hanggang ngayon hindi ko makita ang clue sa magiging takbo ng kasaysayan ng ating bida. Napakakaunti ng mga detalyeng ibinabato ng ulo ko bagamat matagal na itong nakakahon. Mahirap kalaban ang sariling nagdedebate sa kanya ring sarili ... sabi ng isa si Carlito raw ang magbubukas sa pusong sugatan ng kanyang lolo at ang isa naman ay nagtatanong papaano ito mangyayari? Hindi pa nga siguro hinog ang kasaysayan ng ating bida. Pero sana mahinog bago umabot ang Abril ng susunod na taon dahil ipapakilala ko na siya sa ilang mga tauhan ng mundong ito.

Saturday, December 10, 2005

Ang Pagsisimula ng dula -- Act I: Scene 1 - Sequence 1 -- Si Carlito

Magsisimula ang kasaysayan ng ating bida sa isang malayong baryo. Malayo sa kabihasnan. Walang polusyon at maituturing na birhen pa ang probinsiyang ito sa Quezon. Maraming nakatanim na puno ng niyog sa paligid. Makikita natin mula sa malayo, sa paanan ng tanyag na Bundok Banahaw ang isang bahay-pawid. Kapansin-pansin ito dahil walang ibang bahay sa paligid ng bundok. Dito nakatira ang ating mga bida.

Sa bukirin sa ibaba ng bundok, ang mahigit limang magsasaka, kasama ang isang kalabaw na katulong sa pag-aararo ng lupa, ay nagtatanim ng palay. Payak na buhay ito at di masalimuot.

Tatakbo ang isang batang lalaki, si Carlito. Isang siyam na taong gulang na nakasuot ng unipormeng puting polo at dark blue shorts. Patungo siya sa isang puno ng mangga, tuwang-tuwa, pawisan at hinihingal. Kasunod niya ang kapatid na babae, si Dindi, na anim na taon at nakasuot ng palda at kamiseta.

Sa itaas ng puno, paakyat nito si Carlito. Tinatawag naman siya ng kapatid na si Dindi, nagmamakaawa at tinatawag siya na bumaba.

Pagsampa ng tuktok ng puno, inilabas ni Carlito sa bulsa ang isang local brand na chocolate bar. Iniinggit ang batang si Dindi kaya naman umiyak ang pobreng bata. At habang umiiyak ang kapatid, parang binging di ito naririnig ni Carlito. Patuloy siya sa pagkain. Ilang sandali pa, nang mapansing tumahimik ang paligid, agad na tinignan ni Carlito ang kapatid sa ibaba ng puno at nakita niya itong natutulog na.

Napangiti na lamang si Carlito at ipinagpatuloy ang pagkain ng chocolate bar saka nangarap --

Friday, December 09, 2005

Some thoughts about Carlito ...

What do you think the story of Carlito will be about? That is also my problem as I still could not find how his story will end. Last night, I could hardly snatch my sleep fairy thinking she already left me feeling bored while I write in my mind the characters that will populate the world of Carlito.

Leafing through the pages of Carlito's life

Let me tell you the storyline of what I was dreaming to write -- the coming-of-age tale of Carlito, our eight-year old protagonist and how his eyes were opened to the reality that life on earth is never sweet. One might say and dismiss this as something already written but what story is new?

My characters' lives are based on real life and will be changed, affected and influenced by the external forces surrounding him. And I would start his story this way ...

Carlito is not in the mood

Carlito is not in the mood right now to tell me his story. May be the morrow will be a good day.

Thursday, December 08, 2005

Chapter I: My Space

My space on the web is finally here. Today is December 8. Around 10 PM. I am in Pampanga, Philippines. This will be a space not a lot about me but for dream projects that I long to write. Stories. Dreams of film camera at hand. Stories that was docketed at the closet of my mind and heart. Now the characters of these stories are mumbling, talking at the back of my head. The characters want to find a niche and find their own place under the sun.

Today will be a dream come true. Today will be marked a red-letter day. A Holiday.

Sana may magbasa at makinig. Sana may mabuhayan ng loob. Sana may magpayo. Sana may magkomento. Sana may sana pa rin akong isusulat bukas. Sana maipagpatuloy ko ito.

At simula ngayon, eto ang kuwento ko ...