Saturday, December 17, 2005

Sinamahan ko si Carlito sa bahay nila, eto natuklasan ko

Sa maliit na bahay nila Carlito, nakita ko roon ang kanyang nakababatang kapatid na babae na si Dindi na kalong-kalong ang bunso nilang kapatid na lalaki na walong buwan pa lamang. Dumating ako bandang alas-sais at wala na roon ang kanyang ina. Sabi ni Carlito, nasa likod ng simbahang Katoliko sa bayan ang kanyang ina at nagpuputa. Kanino ulit ika dahil gusto kong makatiyak sa narinig ko at sabi niya sa mga kalalakihang nagseseminarista sa simbahan. "Matagal na, suki na ng nanay ko mga lalaking magpapari, at matagal na ring di umuuwi sa aming magkakapatid ang nanay, mga ilang buwan na po."

"Paano kayo nabubuhay?," tanong ko.

"Nang minsang umuwi ang nanay ko, nag-abot po siya ng pambili ng gatas ni bunso namin saka pambili ng bigas, mga ilang kilo. Yung ulam naman po minsan binibigyan kami (na magkakapatid) ng kapitbahay pero madalas po wala. Nanghihingi po ako sa mga tindera sa palengke minsan po ng bituka ng isda tulad ng bangus, minsan po naman tira-tirang gulay at yun po, yun po iluluto ko para ulam namin. Hindi po kami pinababayaan ng Dios araw-araw ... bukas po balik ng nanay, may dala po ulit yun panggatas ni bunso."

"May gatas pa ba si bunso?," tanong ko ulit.

"Wala na po. Yung ahmm na lang po ang pinapainom ko, yung pinagsabawan po ng isinasaing na bigas namin saka minsan po mainit na tubig at kape."

"Puwede ba akong makitulog sa inyo dito?," hingi ko ng pahintulot. "Eto, may kaunti pa akong pera, ibili mo ng gatas ang bata."

Ayaw itong tanggapin ni Carlitos. "Hindi na po. Bukas naman po darating na ang nanay. Saka wala na pong sasakyan papuntang bayan. Bukas po ng umaga ang luwas ng mga sasakyan."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home